Kinuwestiyon ng isang grupo ng mga magsasaka ang pangako ng Department of Agriculture na pagbibigay ng mga libreng pataba bilang tulong sa mga magsasaka sa bansa.

Sa panayam kay Samahang Industriyang Agrikultura (SINAG) chairman na si Engr. Rosendo So kaniyang idiniin na walang natanggap ang ilang magsasaka para sa libreng pataba ng DA alinsunod sa Bayanihan 2 kung saan ay may pondo itong aabot sa 4.5 bilyong piso.

Dagdag pa niya na dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pataba ay malaki sana ang maitutulong ng mga free fertilizers.

--Ads--
Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Engr. Rosendo So

Aniya hindi umano natanggap ng mga magsasaka mula Ilocos Norte, Ilocos Sur at Isabela ang mga pataba na ipinahayag na maihahatid sa kanila noon pang Mayo.

Aniya hindi na umano nakakatulong sa mga magsasaka ang naturang departamento.