DAGUPAN CITY– Kinumpirma ni Provincial Health officer Dr. Ana de Guzman na tumaas ng 70 percent ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay de Guzman, magmula buwan ng Enero 1 hanggang Agosto 2 ng taong kasalukuyan ay nakapagtala na ang probinsya ng 2,681 na kaso at dalawa ang nasawi.

Kumpara noong nakalipas na taon sa parehong panahon ay nakapagtala ng 1,582 na kaso ng dengue at 11 naman ang nasawi.

--Ads--
Provincial Health officer Dr. Anna Marie de Guzman

Kaugnay nito ay pinag- iingat ng opisyal ang mga mamamayan na mag ingat dahil maraming sakit na naglalabasan ngayong panahon ng tag ulan.