DAGUPAN, CITY— Nilinaw ni Provincial Health officer Dr. Ana de Guzman na wala pang naitatalang delta variant dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay de Guzman, base sa kanilang pinakahuling monitoring , nasa 726 ang aktibong kaso ng covid 19. Mayroong 52 na bagong kaso sa probinsya, kaya sa kabuoan ay mayroon nang 15,018 ang confirmed case sa probinsya.

Mayroon namang 60 ang bagong nakarekober. Wala pa umanong natailang bagong nasawi. Sa ngayon ay nananatiling 448 ang naitatalang nasawi.

--Ads--

Samantala, kinumpirma ni de GUzman na may isang OFW galing sa Saudi ang sumailalim sa 14 araw na quarantine mula nang lumapag mula sa palirapan ng Clark sa Pampanga.

Nagnegatibo naman daw ito sa test pero mahigpit pa ring inoobserbahan dahil nakasabayan niya ang isang nagpositibo sa delta variant.Sa kasalukuyan ay wala namang sintomas na ipinapakita ang pasyente.

Dagdag pa ni de Guzman, ang dahilan ng pag akyat baba ng kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ay dahil sa tuloy tuloy na contact tracing ng mga health workers sa mga naitatalang nagpopositibo.