Nilinaw ni Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV DOH Region 1, na wala pang naitalang delta Variant dito sa region 1

Ayon kay Bobis, hindi dapat dumagdag sa ating pagkabahala ang Delta Variant kundi makapagdagdag para lalo pa itong paghandaan.

Ang delta variant aniya ay mas mataas na makahawa kaya kailangan na bago pa dumting ang delta variant sa region ay makapag bakuna na ng mas nakakaraming populasyon.

--Ads--

Hinimok niya ang mga senior citizen at person with comorbidities na magpabakuna upang maprotektahan ang sarili laban sa sakit.

Samantala, kabilang sa ginagawang hakbang nila para maiwasan na kumalat ito sa rehiyon ay ang paghihigpit sa mga pumapasok sa probinsya kung saan kailangan na dumaan sa screening.

Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV DOH Region 1

Dagdag pa ni Bobis na nakikipag ugnayan din sila sa mga private at public hospital na magdagdag ng kanilang isolation beds upang sakaling magkaroon ng surge sa kaso ng covid 19 ay nakahanda ang mga ospital na tanggapin ang mga pasyente.