DAGUPAN, CITY— “Parehong gutom na masungkit ang kampeonato sa NBA Finals!”
Ganito inilarawan ni Coach Angel Gumarang, isang sports analyst sa lalawigan ng Pangasinan ang magiging sagupaan sa pagitan ng Milwaukee Bucks at ng Phoenix Suns sa NBA Finals ngayong taon.
Ayon kay Gumarang, dahil sa tagal na ng taon mula nang makapasok ang parehong kupunan sa Finals, nandoon umano ang kagustuhan ng dalawang teams na makuha ang championship ngayong season.
Ngunit sa prediksyon sa naturang match-up, inihayag ng naturang sports analyst na posibleng may tyansa na makuha ng Suns ang kampeonato dahil na rin sa kanilang magandang ipinapakita sa kanilang opensa sa pangunguna ni Chris Paul.
Dagdag pa umano rito malaki din ang maitutulong ng offensive Guard gaya ni David Booker at ng malalim nitong line up ng mga bench players sa magiging tagumpay ng naturang team.
Samantala, nakasalalay umano sa magiging kalusugan ni two-time NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo ang kapalaran ng Bucks sa Finals lalo na’t malaki umano ang tulong ng naturang player sa pagkartada ng puntos at lalo na sa depensa para sa kanilang team.
Matatandaan kasing nagtamo ng injury sa kanyang kaliwang tuhod sa game four si Giannis sa Eastern Conference finals kontra Atlanta Hawks.
Ang Game 1 ng NBA Finals bukas oras sa Pilipinas na gaganapin sa teritoryo ng Suns.