Knumpirma ni Provincial Health officer Dr. Ana Marie de Guzman na umaabot sa 87,874 na covid vaccine ang dumating sa lalawigan kahapon na kinabibilangan ng astrazeneca at sinovac.
Iniulat din nito na ang nabakunahan na sa probinsya ay 114,641 o 5.8 percent ng populasyon ng lalawigan na 1,975, 080.
Nasa 84,171 ang nakakuha ng first dose habang ang nakakumpleto na ng bakuna ay 30,469.
Samantala, ang mga nabakunahan ay kinapapalooban ng 56.5 percent na mga frontliners, 35 percent sa mga senior citizen at 8.5 percent ang mga person with comorbidites samantalang sa mga uniform men ay mayroon nang 362 ang nabakunahan.
Si Dra De Guzman ay tumayong resource person sa Sangguniang Panlalawigan matapos maimbitahan para magbigay ng updates sa covid19 at vaccination rollout sa pangasinan




