Naniniwala si Dagupan city mayor Marc Brian Lim nasa 25 -35 percent ang puwedeng itaas ng IRA dito sa lungsod ng Dagupan.

Ang pahayag ni Lim ay may kaugnayan sa bagong lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte na Executive Order No. 138 noon lamang Hunyo 1, taong kasalukuyan.

Sa nabanggit na EO, mabibigyan kasi ng mas malaking pondo ang LGUs simula sa susunod na taong 2022 dahil sa Mandanas ruling.

--Ads--

Ayon sa alkalde, highly urbanized city ang Dagupan at maaaring tumaas pa ang IRA at nangyari ito lahat ng serbisyong publiko ay matutugunan ng mga LGU.

Dagupan city mayor Marc Brian Lim

Nakasaad sa kautusan na ang mga katungkulan, serbisyo at maging ng mga pasilidad ay ililipat sa LGUs mula sa mismong national government nang hindi lalagpas sa fiscal year 2024, kasama ang mga nakasaad sa Section 17 ng RA No. 7160 at iba pang kasalukuyang mga batas matapos mabuwag o mailipat ang naturang mga katungkulan sa LGUs mula sa national gov’t.

Sa Section 17 ng naturang kautusan, ang Local Government Code of 1991, nakapaloob dito ang basic services ng bawat LGU na kanilang dapat tugunan mula sa mga bara-barangay hanggang sa mga munisipalidad o siyudad.

Sa kasalukuyan, ito ay ipinatutupad na sa LGUs ngunit marami pa rin sa kanila ang patuloy na umaasa sa national government dahil sa kakulangan ng resources.