Inihayag ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim na itutuloy nila ang plano na magkaroon ng karagdagang mga vaccination sites sa syudad.
Hindi lamang magawa umano ito ngayon dahil sa kakulangan ng bakuna para sa syudad na nagagamit lamang ito sa may Dagupan City Peoples Astrodome na siyang nasisilbing Covid19 Vaccination Center.
Isa pa sa mga rason kung bakit hindi pa rin makapagpatayo ng vaccination site ay dahil sa nararanasan na maiinit na panahon sa syudad.
--Ads--
Giit ng alkalde, kinakailangan na maging maayos ang mga vaccination site at komportable ang mga magbabakuna at mga babakunahan.
Matatandaan na plano ng LGU Dagupan na magkaroon ng mga vaccination sites sa mga bara barangay para mapabilis ang pagtuturok ng covid19 vaccine sa mga Dagupenyo.




