Patay ang isang 20 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy Bolaoen, sa lungsod ng Urdaneta.

Ayon kay PCapt. Anthony Quaresma, ang Investigation Officer ng Urdaneta City PNP, ang biktima ay kinilala na si Luis Angelo Ferrer na residente ng naturang lugar habang ang mga suspek ay hindi pa natutukoy ng mga kapulisan.

Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, tumigil pansamantala ang motor ng biktima kasama ang kaniyang kapatid dahil may kinausap ang mga ito nang biglang may riding in tandem sakay ang itim na motorsiklo na bumaril sa biktima.

--Ads--

Bilang resulta nagtamo ito ng tama ng baril sa bahaging leeg at tiyan kayat itinakbo ito sa Urdaneta Sacred Heart Hospital ngunit binawian din ng buhay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga kapulisan kaugnay sa insidente at sa pakikipagungayan ng mga ito sa pamilya ng biktima ay napagalaman na may mga nakaalitan ito ngunit tinitignan parin ng mga kapulisan ang ilan pang anggulo sa motibo ng pamamaril.