Maswerteng nakaligtas ang isang 62-anyos na lalaki matapos itong sugurin at tagain sa bayan ng Labrador.

Kinilala ang biktima na si Romualdo Carreon, miyembro ng BPATS, habang ang suspek ay kinilalang si Warly Domingo, 54 anyos, retiradong miyembro ng Phil. Marines, at parehong residente ng nabanggit na bayan.

Ayon sa biktima bigla umano siyang sinugod ng suspek na kinilala din namang kamag anak nito, at tinaga sa kanyang likod gamit ang isang kutsilyo.

--Ads--

Ayon naman sa imbestigasyon ng Pnp, dati umanong alitan ng biktima at suspek ang naging bunsod ng pananaksak. At tinitignan din maaring motibo sa insidente ang kasalukuyang away sa lupa.

Agad namang naitakbo ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan at kasalukuyan ng nagpapagaling.

Samantala, ang nabanggit na suspek ay tumakbo matapos ang insidente at kalaunan ay nagawa din namang maaresto ng kapulisan sa isinagawang follow up investigation. // Report of Bombo Mariane Esmeralda