Muling nakatanggap ang Region 1 ng 18,000 doses ng Astrazeneca vaccine.
Siniguro ng DOH Center for Health Development (CHD1) na maibabahagi ang naturang mga bakuna sa implementing units ng rehiyon.
7, 500 doses ang natanggap ng Provincial Health Office (PHO) Ilocos Norte habang 8, 700 naman sa PHO Ilocos Sur, 200 sa Region 1 Medical Center, iba pa ang 2, 110 sa City Health Office (CHO) ng Dagupan at 10 naman sa Rural Health Unit (RHU) Calasiao.
--Ads--
Kaugnay nito, siniguro ng naturang ahensiya na sapat ang health workers sa mga ospital, sa kabila ng pagtaas ng covid-19 cases sa rehiyon.




