Sa kulungan ang bagsak ng isang tricycle driver matapos itong maaresto sa isinagawang dragnet operation ng mga otoridad sa bayan ng Bugallon.

Sa impormasyon, ay nakatanggap ang PNP ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na umanoy mayroong naganap na pagnanakaw sa Brgy. Banyaga sa nasabing lugar at nagawang makatakas ng suspek.

Agad namang nagtungo ang mga kapulisan sa lugar upang kumpirmahin ang report at nagsagawa ng dragnet operation na nagpositibo naman at nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na kinilalang si Jonas Bolasoc, 35-anyos na residente sa nasabing bayan.

--Ads--

Nang maaresto ito ay narekober sa kaniyang pangangalaga ang pera na kaniyang ninakaw na nagkakahalaga ng P20,000.

Positibo namang tinukoy ang suspek ng biktima na nakilalang si Myrna Mojaro na residente din mula sa Bugallon.

Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng mga kapulisan ang suspek at hinahanda na sa kasong kakaharapin nito.