Patay ang dalawang lalaki matapos masuffocate sa isang balon sa Sitio Bariquer, Brgy. Dangley, sa bayan ng Agno dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa impormasyon mula sa Agno PNP, ang mga biktima ay kinilalang sina Hector Caducio, 52 anyos at John Edward Apostol, 34 anyos na parehong residente ng naturang lugar.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga kapulisan napag-alaman na nililinisan ni Apostol ang malalim na balon nang hindi ito makahinga sa loob dahil masikip, malalim at gawa ito sa konkreto.

--Ads--

Si Caducio naman ay malapit sa lugar nang mangyari ang insidente kayat nang makita nito si Apostol ay pumunta din ito sa loob ng balon upang tulungan siya ngunit sa kasamaang palad ay hindi rin nakahinga ang biktima.

Ang mga kasapi ng Agno rescue, BFP at PNP ay nagtulong tulong upang makuha ang mga biktima sa loob ng balon at dinala ang mga ito sa Agno RHU ngunit idineklarang dead on arrival ng kanilang attending physician.