Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa aksidenteng banggaan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Burgos.

Nakilala ang mga driver ng isang motorsiklo at biktima na si Samuel Cacho, nasa hustong edad, residente din sa naturang lugar at ang driver namang ng nakabanggaan nitong motorsiklo na kinilalang si Chris Cardenas, na reaidente sa bayan ng Sual at ng backrider nito na si Arvin Ferrer.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Pnp na tinatahak ng parehong motorsiklo ang nasabing daan ng bigla umanong lumihis ang sa kasalungat na direksyon ang motorsiklo na minamaneho ni Cacho, na nagresulta ng head on collission sa isa pang motorsiklo.

--Ads--

Sa lakas umano ng impact ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima pati narin ang kani kanilang mga motorsiklo.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktimang si Cardenas ngunit idineklara din itong DOA ng kaniyang attending Physician habang ang backrider nito ay nalapatan na din ng paunang lunas.

Samantala, ang driver naman at biktimang si Cacho ay kasalukuyan pang naka confine sa pagamutan at sumasailalim sa gamutan.

Sa karagdagan pang imbestigasyon ay napag alaman din ng mga otoridad na ang parehong driver at ang backrider ay walang suot na mga helmet habang nagmamaneho at wala ding mga drivers license.

Habang ang kani kanila namang mga motorsiklo na nasangkot sa banggaan ay nasa kustodiya na ng Pnp para sa maayos na disposisyon at inaalam pa ang halaga ng mga pinsala nito. //Reports of Bombo Marianne Esmeralda