Suntok sa buwan ang pagtatakda ng hindi kasiguraduhang pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Randy Alfon, Education and research chairperson ng grupong ASSERT, dapat maglatag muna ang Department of Education (DepEd) ng mga programa at pamamaraan kung ano ang natutunan sa nagdaang school year.
Kailangan na inalam muna nila kung anong kalidad ng edukasyon ang naibigay sa mga bata at kung may natutunan ba ang mga mag-aaral sa sistema ng edukasyon sa isinagawang distance learning.
Dapat tiyakin ng kagawaran na kalidad na edukasyon ang ibinibigay sa mga bata sa panahon ng pandemya.
Giit nito na napapagod na sila sa paghahanap ng komprehensibong solusyon samantalang nagbibingi bingihan ang mga taga ahensya na tugunan ang problema ng mga guro.
Malungkot na ibinahagi ni Alfon ang naging karanasan ng ilang guro sa Zambales na nagkaroon ng covid 19 pero walang nakuhang ayuda mula sa gobyerno.
Inilatag ni Alfon ang marami pang problema ng mga guro na dapat tugunan kabilang na ang pamamahagi ng module.
Matatandaan na inihayag kamakailan ng Department of Education (DepEd) na target na buksan ang susunod na school year sa Agosto 23 ngayong taon.




