Nagsampa ng kaso sa Ombudsman ang Samahang Industriya ng Pilipinas si Department of Agriculture secretary William Dar dahil umano sa paglabag sa Food safety Act.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So, sinabi nito na hindi ipinatupad ng DA ang quarantine first policy sa mga imported pork at mga processed meat na posibleng may African Swine Fever (ASF).
Tahasang sinabi ni So, na nagkulang ang ahensya sa pagpapatupad ng Quarantine First Policy matapos hindi sinuri ang mga mga inangkat na produktong may baboy sa port of entry.
Paglabag din sa Food safety act ang mga nakatiwangwang sa mga palengke na mga frozen meat. Git niya na dapat nakarepack ang mga ito para malaman kung saan nanggaling.
Nakasaad sa food safety act na dapat iquarantine muna ang mga imported food product at inspeksyunin bago ito papasukin sa bansa.
Samantala, bukod kay Dar, isusunod nilang kasuhan ang mga tauhan nito partikular ang National Meat Inspection Service o NMIS kapag nakitang hindi ipinatupad ang kaokolang inspection sa mga inaangkat na produkto.
Pinaniniwalaan na ang hindi pagsunod sa nasabing polisiya ang dahilan kung kayat kumalat ang African Swine fever, Avian flu at iba iba pang sakit na naging banta sa agrikultura ng bansa.




