DAGUPAN CITY– Ikinatuwa ng Department of Tourism sa pagkilala sa Saud Beach sa Pagudpud, Ilocos Norte,na isa sa mga pinaka-magagandang beach sa buong mundo ng isang foreign magazine .

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, masayang masaya sila dahil kahit ngayong pandemya nababanggit pa rin ang Pilipinas sa mga lugar na kabilang sa 25 most beautiful beaches sa boung mundo partikular na ang Saud Beach o ang itinuturing na “Boracay of the North” .

Madali itong puntahan maging ng mga taga NCR na dahil malapit lamang ito .

--Ads--

Maganda rin aniya dahil ultimo mga dayuhan ay nagsasabi na maganda ang naturang lugar maging ang ating bansa.

Nauna rito Pasok ang Saud Beach sa 25 “Most Beautiful Beaches in the World” ng New York-based travel magazine na Travel+Leisure.