Hindi natuloy ang Waste to Energy project sa bayan ng San Fabian, Pangasinan matapos tutulan ng mga residente at ilang elected officials sa nasabing bayan.
Ayon kay 4th district board member Ribby Villegas, chairman ng Committee on Environment sa Sangguniang Panlalawigan, nagkaroon ng public hearing sa inaprubahang Waste to Energy Project sa 17 ektarya sa barangay Alacan at Mabilao pero tatlumpo lamang umano ang dumalo.
Hirit nito na dapat magkaroon ng public hearing hindi sa barangay hall pero sa mismong site na dadaluhan ng mga residente na direktang pektado.
Dagdag pa ni Villegas, dapat na pag aralan ng husto ang nasabing proyekto dahil multi billion pesos ang ilalaan dito at magkaroon ng mas masigasig na pag aaral sa proyekto.
Samantala, bilang chairman ng committee on Environment, binigyang diin ng opisyal na tatalakayin nila sa Sangguniang Panlalawigan ang usapin din sa basura sa ibat ibang bayan sa lalawigan.
Ngayong ipinasara na ang santary landfill sa lungsod ng Urdaneta ay kung saan saan na umano nag nagtatapon ng basura ang mga LGUs.
Giit nito na dapat mayroong Material Recovery Facility o MRF ang bawat municipalidad.




