Dumarami ang mga pasyente sa labing apat na hospital sa lalawigan ng Pangasinan ngunit marami naman ang gumagaling.
Sa ulat sa Bombo Radyo ni board member Jeremy Ajerico Ming Rosario ng ika apat na distrito ng Pangasinan at chairman ng committee on Health sa Sangguniang Panlalawigan, medyo gamay na ng mga frontliners ang paglaban sa covid 19.
Kaugnay nito, hinikayat niya ang publiko na mainam na agad na magpatingin kung may nararamdaman upang madaling magamot.
Giit niya na na nagiging kumplikado lamang at napapasukan ng virus kapag hinayaang lumala ang sakit. Kaya naman hinimok niya ang mga tao na magpakosulta na agad kapag may kakaiba na nararamdaman sa katawan.
Habang naghihintay sa bakuna, pinalalahanan niya ang publiko na maging disiplinado at huwag gagawa ng malaking gatherings dahil hindi nakikita ang kalaban.




