Humantong sa mainit na sagutan at barilan ang isang simpleng yayaan ng dalawang magkaibigan sa Brgy. Bayaoas lungsod ng Urdaneta.
Ayon kay PSMS Emmanuel Casaclang, Investigator on Case ng nabanggit na himpilan, nakatanggap ng mensahe ang biktima na si Celine Fernandez, 20 taong gulang, residente ng Sitio Mitura Brgy. Anonas mula sa kaibigan nitong suspek na isang miyembro ng Philippine Army na kinilalang si Nicho Argos, residente mula naman sa Brgy. Dilan Paurido.
Niyayang mamasyal ng suspek ang babaeng biktima hanggang sa sila’y mapadpad sa isang apartel at sapilitang pinapapasok ng suspek ang biktima dahilan para ito’y kaniyang tanggihan at dito na din tinawagan ni Fernandez ang kaniyang nobyo na kinilalang si Fernando Manzano, 28 anyos, residente ng Sitio Tabuyoc Zone 7 Brgy. Cayambanan.
Agad namang pumunta si Manzano upang respondeham ang kaniyang nobya hanggang sa sila’y nagkaroon na ng pagtatalo sa sundalong suspek hanggang na nauwi sa barilan.
Narecober sa crime scene ang 3 cartridge ng caliber 45.
Nagtamo ng 3 tama ng bala ng baril ang lalakeng biktima partikular sa kaniyang binti at ang babae naman ay nagtamo ng 1 tama sa kaniya ding binti.
Magkaibigan ang babaeng biktima at ang suspek kayat nagtiwala at pinaunlakan nito ang kaniyang paanyaya ngunit hindi nito inakala na hahantong ito sa malagim na sitwasyon.
Sa salaysay ng lalaking biktima, selos ang nakikita nitong dahilan bakit nagawa ng suspek ang naturang insidente.
Sa ngayon ang dalawang biktima ay nasa maayos na ding kondisyon at kasalukuyan pa ding nagpapagaling.




