Hirap pa ring matukoy ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog sa isang malaking supermarket sa barangay Poblacion sa bayan ng Mangatarem dahil sa mga nakaharang na kagamitan.
Ayon kay F/Insp. Ramil Fernandez, Acting Municipal Fire Marshal ng Mangatarem BFP, nasa pinakadulo at kaliwang bahagi ng ikalawang palapag ng naturang establishimento ang pinagsimulan ng sunog na sa ngayon ay hindi pa mapuntahan dahil sa mga nakaharang na kagamitan tulad ng yero at bakal.
Napag-alaman din na ang gusaling nasunog ay ang kanilang display area na naglalaman ng mga RTW at mga kutson.
Nasa 14 na firetrucks ang tumulong kung saan ang ilan dito ay mula pa sa mga kalapit na bayan upang maapula ang apoy na nagsimula bandang 7:00 ng gabi at naideklara ang fireout 9:50 ng gabi ngunit muling sumiklab ito dahil sa mga laman nito na composite materials.
Pagsubok para sa mga bumbero na maapula ito dahil maluwang ang lugar ngunit sa kagandahang palad ay walang nadamay na kalapit nito at walang nasugtan na tao sa insidente.
Ayon pa sa opisyal kapag tuluyan na nilang napasukan ang lugar tsaka nila maiidentify ang dahilan ng sunog ngunit para sa kaniya ay 100 percent na hindi ito sinadyang sunugin.
Sa pakikipagugnayan din ng mga ito sa mga empleyadong nakaduty ay kanilang isinaad na nung napansin nilang may umaapoy sa dulo ay agad na kumuha ng fire extinguisher ang mga ito ngunit hindi na ito maapula dahil sa lakas ng apoy.
Sa ngayon ay nakikipagkoordina parin ang mga ito sa may ari ng establishimento upang matukoy ang kabuuang danyos sa nangyareng sunog. //Report of Bombo Adrianne Suarez