DAGUPAN, CITY— Kapwa nagpositibo sa COVID-19 si dating Alaminos City Mayor Arthur Celeste at Vice Mayor Anton Perez.
Inamin ni Celeste na siya ay mild asymptomatic base sa resulta ng kanyang Swab/ RT – PCR test.
Sa kasalukuyan ay nakaisolate siya sa Medical City para mamonitor ang kanyang puso.
Gayunman nananatiling malakas ang pangangatawan ng dating alkalde.
Nagkaroon daw siya ng konting ubo at lagnat kaya siya ay nagpaswab at positibo ang naging resulta. Pinaniniwalaang nakuha niya ito sa pagpunta sa Manila.
Samantala, hinihinala din naman ni vice mayor Perez na nakuha niya sa kanyang kamiting sa Manila.
Noong March 3 ay lumuwas umano siya ng Maynila dahil may mga kailangan na makausap.
Matapos malaman na nagpositibo ay minabuti niyang i-isolate agad ang sarili at mag self-quarantine sa Alabang.
Sa ngayon ay unti-unti na daw siyang lumalakas at bumabalik ang resistensya ng katawan.
Negative naman sa swab ang lahat ng close contacts nila kabilang ang kanilang pamilya.