Tiniyak ng Umingan LGU na nakahanda na ang kanilang bayan para sa vaccination activity sa kanilang komunidad pagkaraang makarating na sa kanilang mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Umingan Mayor Michael Cruz, sa ngayon ay patuloy ang kanilang pagsasagawa ng mas pinalawig pa nilang mga information dissemination sa mga barangay sa kanilang bayan upang mabigyan ng mas malinaw na paliwanag at mga impormasyon ang mga residente ukol sa magandang epekto ng bakuna sa kanilang katawan.
Bukod pa rito ay ipinapaliwanag dito ang ilan pang mga katanungan ng publiko ukol sa naturang bakuna at maging ang kanilang gingawang hakbang upang mas marami pang mga mamamayan ang kanilang makumbinsi na maturukan ng bakuna sa kanilang lugar.
Aminado kasi si Cruz na sa ngayon ay hindi pa ganoong karami ang bilang ng mga residente sa kanilang bayan ang naghayag ng kanilang kagutuhan na mabakunahan ng COVID-19 vaccine kung kaya’t mas kanila pang ginagawa ang kanilang kampanya upang maiparating ang tamang mga impormasyon ukol sa nabanggit na bakuna.
Sa ngayon umano ay maayos naman umano ang kanilang pag-manage sa mga naitatalang kaso ng COVID-19 at gumagawa rin sila ng ibang mga paunang mga hakbang upang hindi na ito kumalat pa sa kanilang nasasakupan.