Patay ang 17-anyos na binatilyo matapos malunod sa Portuguese, Barangay Baquioen, sa bayan ng Sual.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Joy Fernandez, Officer in Charge sa Operations & Warning ng MDRRMO Sual, ito ang unang drowning incident ngayong taon sa nabanggit na lugar.
Aniya, naitakbo pa ang biktima sa Sual Primary Care Facility ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.
--Ads--
Kaugnay nito, nagpaalala ang naturang kagawaran sa pagbisita sa mga pook baybaying-dagat upang maligo na mag-doble ingat nang maiwasan ang ganitong uri ng insidente.