Siniguro ng bagong management ng Dagupan City Water District na PAMANA ang mas pagpapaganda pa ng kanilang serbisyo.

Sa bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mayor Marc Brian Lim, kasunod ito ng kanilang pagbibigay diin na sa susunod na anim na taon ay wala pa ring mangyayaring pagtataas singil mula sa consumers.

Ito ay bilang tugon umano at pagbibigay linaw ng ahensiya sa mga kuro-kurong magkakaroon na ng taas-presiyo sa konsumo ng tubig sa siyudad.

--Ads--
Voice of Dagupan City Mayor Marc Brian Lim

Kanila umanong bibigyang pansin ang reklamo sa ilang mga lugar sa kahinaan ng bugso ng tubig.

Ibinahagi rin nila sa alkalde ang ilan sa kanilang mga planong proyekto gaya na lamang ng pag-aayos ng kanilang pumping stations.