DAGUPAN, CITY— Umaasa si Calasiao Mayor Joseph Bauzon na walang kaugnayan sa pulitika ang pamamaslang kay OIC POSO Chief Reynaldo “Bogart” Bugayong.

Ayon kay Bauzon, bagaman alam ng karamihan na kanang kamay nito si Bugayong sa lahat ng kanyang mga hakbang sa pulitika at halos sila umano ang nag-uusap patungkol rito, ay ipinagkakatiwala na lamang umano niya ang masusing imbestigasyon ng mga kapulisan sa pagresolba sa kaso ng naturang OIC POSO Chief.

Ipinapanalangin din umano niya na magiging tahimik at maayos pa rin ang kanilang bayan .

--Ads--
Tinig ni Calasiao Mayor Joseph Bauzon

Matatandaan na papasok na sana ng kaniyang trabaho ang biktima nang sundan ito ng apat na hindi pa nakikilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo.

Nang marating ng biktima sakay ng kaniyang motorsiklo ang Brgy Lasip ay doon ito pinagbabaril ng mga suspek sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

11 ang total na bilang ng basyo ng bala ang kanilang narekober sa pinangyarihan ng krimen, pito rito ay tumama sa magkakaibang bahagi ng kaniyang katawan at dalawa sa kaniyang ulo. (with reports from: Bombo Framy Sabado)