Nakatakdang magsagawa ng Noise Barrage Caravan ang mga private vehicle owners ngayong araw ng Biyernes bilang pagpapakita ng kanilang sentemyinto sa ipapatupad na Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC).
Ang assembly area ay sa Stadia sa Lucao District, dito sa lungsod ng Dagupan.
Layunin ng nasabing noise barage caravan na maiparating ang sentimyento ng mga motorista sa mga kinauukulan lalong lalo na sa DOTR ang umano’y mataas na singil dito, mali-maling vehicle inspection procedures at implimentasyon ng ahensya nang walang public consultation.
Hiniling ng grupo na magka-isa ulit sa pagkakataon na ito upang maiparating ang hirap na pinagdadaanan ng mga private vehicle owners.
Partikular na tinukoy rito ang operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Center na isang proseso ng inspection (computest) na kailangang pagdaanan ng mga private motor vehicle bago mapa renew ang registration.
70 stages ng inspection umano ang pagdadaanan ng mga sasakyan sa nabanggit na computest at tanging sa mga accredited Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) lamang ito gagawin.
Php600 ang unang bayad at kapag bagsak sa inspection ang sasakyan ay kailangan na mapa ayos at maibalik sa loob ng 72 oras.
Tatlong daang piso lamang ang umanoy babayaran, ngunit kapag hindi naibalik sa loob ng takdang oras ay balik sa P600 ang babayaran para sa mga MC at Tricycle, Php 1,600 naman sa UV, SUV, JITNEY at JEEPNEY na kung mabagsak ulit at ibabalik sa kanila ay magbabayad ulit ng inspection fee hangga’t makapasa sa computest na ito.
Giit ng mga motorista na masyadong pahirap ito sa panahon ng pandemya.
Pinaalalahanan naman ng pulisya ang mga sasama sa noise barrage na magsuot ng face mask at mag-obserba ng physical distancing.