Bahagyang nagdulot ng pangamba sa ilang residente sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Malokiat sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan ang umanoy nakitang grupo ng kalalakihan na may dalang mga baril.

Ayon kay Pozorrubio PNP OIC COP PMAJ. John Corpuz, naiparating sa kanila ang nasabing report mula sa isang magsasakang residente sa nasabing lugar na paglabas nito ng kanilang kubo ay nakita ang apat na kalalakihan na armado ng mahahabang baril, nakasuot ng camouflage na bahagyang kupas na, naka bagpack at naka tshirt ng kulay puti, naka bonnet at may telang itim na nakalagay sa ulo.

Dahil dito ay naalarma ang mga residente dahil baka biglang magumpisa ng gulo ang naturang mga lalaki sa nabanggit na barangay.

--Ads--

Agad naman itong nirespondehan ng grupo ng kapulisan ng Pozorrubio PNP upang kumpirmahin ang nasabing report na naiparating sakanila at ng makarating sa lugar ay nadatnan pa ang mga grupo ng kalalakihan at nilapitan ang mga ito at nakipag usap naman ng maayos sa mga otoridad.

Dito na nga napag alaman na pawang mga grupo ng naghuhunting ng ibon ang mga lalaki at napatigil lamang sa lugar upang magpahinga bago bumalik ang mga ito sa bundok.

Narecover naman ng pulisya ang ilang air gun na nakitang dala ng mga kalalakihan.

Samantala, dinismiss naman agad ang isasampa sanang kaso sa mga ito na alarmed scandal dahil sa lack of probable cause.

Pozorrubio PNP OIC COP PMAJ. John Corpuz