Normal na reaksyon ng tao ang galit na kanilang nararamdaman matapos mapanood ang nagviral na pagpatay ni Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag ina na Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Ganito inilarawan ni Dr. Nhorly Domenden, isang psychologist dito sa lalawigan ng Pangasinan sa galit na emosyon ng nitizens.

Isa aniya sa nagpapangngitngit sa tao ay ang komento rin ng ibang kapulisan sa social media na isa lamang isolated case ang insedente.

--Ads--

Pero bilang isang sikolohista, hindi niya masasabing isolated case lang ang pangyayari dahil napakatindi ang epekto nito.

Pero kung pagbabasehan ang video, napakalaki aniya ng impact nito sa mental health.

Samantala, hindi rin itinuturing na responsable ang pagpost ng mga impormasyon dahil inisip din sana ang epekto nito sa mga tao kahit na ang layunin ng pagpapalabas ng nasabing video ay para may ibidensya.

Dr. Nhorly Domenden, psychologist