Naging matagumpay ang isinagawang feeding program ng Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) Pangasinan Chapter sa barangay Mamalingling, sa lungsod ng Dagupan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa kay Brgy. Sec. Estrella Jimenez, nagpasalamat ito sa KBP Pangasinan Chapter at gayundin sa staff ng Bombo Radyo Dagupan na siyang umagapay sa naturang programa sapagkat marami umanong mga bata ang kanilang nahandugan ng pagkain lalo na ngayong may COVID-19 pandemic.

Brgy. Sec. Estrella Jimenez

Aniya, sana umano sila’y muling matulungan pa ng nabanggit na samahan sa mga susunod pa nitong mga programa.

--Ads--

Kaugnay nito ay siya namang nagpasalamat si Jay Mendoza, Chairman ng KBP Pangasinan sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ng naturan barangay.

Jay Mendoza, Chairman ng KBP Pangasinan