Patuloy pa rin ang Laoac Christmas Donation Program 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sa alkalde ng bayan ng Laoac na si Mayor Ricardo Balderas, ito ay upang maipadama pa rin umano ang diwa ng kapaskuhan lalo na sa mga kababayan nilang salat sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang grocery items at cash donations.

Ani Balderas, barangay officials at hanay ng kapulisan ang siyang pupunta mismo sa mga kababayan nilang ito at aabutan ng regalo ngayong papalapit na pasko.

--Ads--

Bukod pa riyan, lahat naman ng pamilya sa 22 mga barangay sa nabanggit na munisipalidad ay tatanggap din ng kanilang munting Christmas gift, kasama na ang natira pang nasa 50,000kgs. na bigas mula sa nakaraang Bayanihan Grand.

Panawagan naman ng alkalde sa mga iba nitong kababayan na may kakayahang magbigay donasyon ay bukas ang kanilang tanggapan hanggang Disyembre 21, ngayong taon.

Voice of Mayor Ricardo Balderas