Patuloy ang hot pursuit operation ng mga otoridad sa humigit kumulang 40 na mga pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng New Peoples Army na armado ng mga matataas na kalibre ng baril na naka enkuwentro ng militar sa bayan ng Mangatarem, dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Brigadier General Audrey Pasia, Commander ng 702nd Infantry Brigade, itinaas na ng puwersa ng mga otoridad ang full alert status matapos ang engkuwentro sa lugar.

May ipinadala na ring mga karagdagang puwersa na lulan ng mga helicopters upang magbigay ng close air support sa mga tropa na nasa baba.

--Ads--

Bantay sarado rin ngayon ng mga sundalo ang mga residente sa nasabing lugar.

Matatandaang bandang alas-5:30 ng umaga kahapon ay nakaenkuwentro ng mga miyembro ng 702nd Infantry Division ang mga hinihinalang miyembro ng Kilusang Tarzam na isang rebeldeng paksyon ng NPA sa Brgy. Lawak Langka.

Bagamat sa kabila nito, walang anumang casualty reports sa magkabilang panig.