BINALONAN, PANGASINAN – Muling nagpadala sa ikalawang pagkakataon ang Pangasinan 5th District ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Cong. Ramon Guico III bago pa man sila lumipad patungong Lal-lo, Cagayan, ang naturang mercy flight ay mayroong 34 na kahon ng relief goods.

Voice of Cong. Ramon Guico III

Ani Guico, ito ay naging posible sa pakikipag-ugnayan ng kanilang distrito sa ilang mga pribadong institusyon at mga indibidwal na namahagi ng mga gamot, damit, tsinelas, cadaver bags at iba pang essential goods.

--Ads--

Nagalak naman ito sa dami ng mga nag-donate dahil aniya, marami rin umanong nanggaling sa iba pang distrito partikular na sa mga kabataang nais talagang tumulong sa mga nasalanta ng naturang bagyo.