DAGUPAN CITY– Nagpositibo sa COVID-19 ang 17 filipino crew members sa isang cargo vessel sa bansang Australia.

Batay sa ulat ni Bombo International Correspondent Denmark Suede, isang registered nurse sa naturang bansa, sinabi nito na noong August 30 dumaong ang Patricia Oldendorff na isang Liberian flag cargo vessel sa Maynila upang kunin ang 20 pinoy crew na bahagi ng mga kahaliling mga manggagawa sa naturang barko.

Aniya, galing umano ang naturang barko sa isang siyudad sa South Korea at pupuntang Australia upang ihatid ang mga iron ores na lulan nito.

--Ads--

Ayon pa kay Suede, pagdating umano ng crew noong September 16 sa Port Headland sa naturang bansa, ay nakitaan umano ng sintomas ng nabanggit na sakit ang ilan sa mga miyembro ng barko kaya inireport umano ng kapitan ng barko sa gobyerno ng Australia.

Dahil dito, ay nagpalipad ang Western Australian government ng helicopter lulan ang 2 nurse na nagsagawa ng swab test sa mga tripulante.

Pagkaraang lumabas ang resulta ng isinagawang pagsusuri sa mga crew ay nakumpirmang 2 ang nagpositibo sa COVID-19 at agad na inevacuate ang 12 dito kung saan ipinunta ang mga ito sa Headland hotel upang maisolate.

Ngunit sa kasamaang palad umano ay 10 mula sa 12 naipunta sa naturang hotel ay nagpositibo rin at 7 mula sa 9 na naiwan sa nabanggit na barko ang nagpositibo sa pandemya.

Bombo International Correspondent Denmark Suede-Australia

Sa ngayon ay kasalukuyan nang nagpapagaling ang mga nabanggit na Pilipino na lulan ng naturang cargo vessel.