DAGUPAN CITY– Kasalukuyan nang prinoproseso ng DSWD Field Office Region 1 ang pagbibigay ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Darwin Chan, Information officer ng naturang ahensiya, sinabi niya na ongoing na ang duplication at actual verification ng kanilang tanggapan sa mga lugar kung saan ibibigay ang asabing ayuda dahil may ilang mga impormasyon ang hindi nadidisclose ng mga benepisyaryo sa kanilang mga sinagutang mga information sheets.

Bukod pa umano rito, ay marami rin silang nakitang hindi na kwalipikado sa nabanggit na tulong pinansyal kaya hindi na nila ipapasok sa listahan ng mga makakatanggap nito.

--Ads--
Darwin Chan, Information Officer DSWD Field Office Region 1

Sa ngayon ay naitransfer na ng naturang ahensiya ang kabuuang P2.16 billion na pondo sa mga financial service providers gaya ng mga katuwang nitong money remittance centers sa rehiyon upang maiclaim na ito ng mga benepisyaryo ang pay-out ng 2nd tranche ng SAP sa susunod na mga linggo.