
Posibleng makasuhan ng crimininal charges ang anim na mga punong barangay sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa pagiging guilty sa Social Amelioration Program (SAP) distribution anomaly sa first tranche.
Sa exlusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay Paulino Lalata Jr., DILG Pangasinan Provincial Director, ito ay depende kung mayroong makita ang Office of the Ombudsman na criminal liability ng mga naturang punong barangay.
Matatandaang kasama ang anim na barangay captain sa walumpu’t syam na napatunayang guilty sa anomalya sa Social Amelioration Program Tranche 1 na sususpendihin ng anim na buwan.
Ito ay sina:
Brgy. Capt. Ariel Cayabyab Hiquiana
Barangay San Vicente, San Jacinto
Brgy. Capt. Walter Velasco y Bruan
Barangay Cablong, Sta. Barbara
Brgy. Capt. Angel Oria Sombrito
Barangay Calanutan, Rosales
Brgy. Capt. Lawrence Gilbert Delos Angeles
Barangay Balogo, Binmaley
Brgy. Capt.Froilando V. Fernandez
Barangay Gayaman, Binmaley
Brgy. Capt.Rogelio Fernandez
Barangay Caloocan Norte, Binmaley
Ang mass suspension ay kaugnay sa isinampang reklamo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa naturang mga barangay chairman.
Dahil dito, nanganganib na matanggal sa puwesto ang mga ito dahil sa serious dishonesty, grave misconduct, abuse of authority and conduct prejudicial to the best interest of the service.



