DAGUPAN CITY–Patay ang isang mango grower matapos umanong magkaroon ng sakit sa balat dulot ng pestisidyo sa lungsod ng San Carlos.

Kinilala ang biktima na si Cristopher Dimalanta , 45 anyos na residente ng Brgy Tandoc sa nabanggit na siyudad.

Nag-umpisa umano ang pagkakaroon ng skin disease ng biktima nang ma-isprayan ito ng pestisidyo sa balat na humantong na sa kumplikasyon.

--Ads--

Pinayuhan din ito na magpatingin sa espesyalista sa siyudad ng Dagupan ngunit dahil sa umiiral na community quarantine ay hindi na ito nakapagpatingin pa sa ospital.

Nanawagan naman ng tulong ang pamilya ng biktima para mabigyan ito ng maayos na libing dahil sa hirap ng buhay.