DAGUPAN CITY–Tahasang sinabi ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, Presidente ng League of Municipality of the Philippines Pangasinan chapter na nakahanda silang sumunod sa memorandum circular ng National Inter-agency task force kaugnay sa pagpapasara sa mga sementeryo sa darating na Undas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan sinabi ni Bataoil na susunod sila sa kautusan para sa kapakanan at kaligtasan ng mga tao basta may appropriate official order ng joint circular ng DILG at may basbas ng provincial governor.

Alinsunod din sa national order, may pamamaraan din ang mga lokal na pamahalaan upang maipatupad ang social distancing.

--Ads--
Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil, Presidente ng League of Municipality of the Philippines Pangasinan Chapter

Ito ang tugon ni Bataoil kasunod ng pahayag ni National Task Force COVID-19 spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na pinag-aaralan nilang isara ang mga sementeryo sa darating na undas para hindi na kumalat pa ang coronavirus.

Pinayuhan na lamang nito ang mga mamamayan na bumisita na lamang ng mas maaga sa mga sementeryo para maiwasan ang pakikipagsiksikan.