DAGUPAN CITY– Binatikos ng PAMALAKAYA o Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas ang pagtambak ng artificial white sand sa bahagi ng Baywalk sa Manila Bay.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Fernando Hicap, chairperson ng PAMALAKAYA o Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, sinabi nito na mamamatay ang mga organismo gaya ng mga sea grasses at ibat ibang species.

Giit niya na walang saysay at sayang lamang ang gastos sa naturang proyekto sa oras na tangayin lamang ng malalaking alon ang itinambak na artificial white sand.

--Ads--

Aniya, ito ay magreresulta lamang sa pagtambak ng buhangin sa lugar kapag nasira.

Kinokondina ng grupo ang pagtingin sa Manila bay bilang patay na pangisdaan dahil may mga isda pa rin sa lugar.

Nanawagan ang grupo sa pamahalaan na mas marami pang dapat irehabilitate.

Kaysa isagawa umano ang rehabilitation project sa Manila Bay ay isulong ang mangrove reforestation dahil maaring panlaban ito sa baha at storm surge.

Fernando Hicap, chairperson ng PAMALAKAYA o Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas

Plano ngayon ng grupo na kakausapin nila ang kanilang abogado para sa gagawin nilang hakbang nang mapigilan ang nasabing proyekto.