DAGUPAN CITY– Panatag ang ilang mga Pilipino sa tugon ng pamahalan ng bansang Japan sa kabila ng Super Typhoon Haishen.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Aito Macarandang, Bombo International Correspondent sa nabanggit na bansa, patuloy umano ang monitoring ng gobierno roon, gayundin sa pananatiling handa ng mga ito sa pag-responde dahil sa pananalasa ng naturang sama ng panahon.

Sa kasalukuyan, ilang establishemento na ang kinailangang magsara at ang iba ay work from home na rin.

--Ads--

Samantala ikinalulungkot din ng ilang mga Pilipino ang pagkakalubog ng cargo ship na lulan ang 39 Pilipinong trepolante.

Ayon kay Macarandang base sa kanilang mga local news outlet ay nanatili naman sa pagamutan ang dalawang na-rescue habang ang isa ay nasawi na.
Matatandaang noong nakalipas na linggo nang mawala sa katimugang bahagi ng Japan ang Gulf Livestock 1 na may lulang 43 tripulante, kasama na ang 39 Pilipino, at halos 6,000 baka sa kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Maysak na may lakas na papalo ng 130 mph.