Tutol ang National Union of Peoples Lawyer o NUPL na agad mapapalaya ang Amerikanong sundalong pumatay kay Jeffrey alyas Jennifer Laude na si Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Atty. Neri Colmenares, chairman ng National Union of Peoples Lawyer o NUPL hindi patas para sa ibang Pilipino at dayuhan na nakakulong ang naging disisyon o kautusan ng Olongapo Regional Trial Court (RTC).

Giit niya na mas maraming deserve sa nasabing prebilihiyo pero hindi naka-avail dahil hindi kilalang tao. Marami aniyang nakulong na hindi mabigat ang kasalanan at marami rin ang inosente pa pero hindi nakakakuha ng prebilihiyo.

--Ads--

Aniya, hindi talaga nagdusa ang nasabing Amerikano dahil hindi ito nilagay sa kulongan na grabe ang congestion dahil protektado siya ng VFA. Ginawa ring homicide ang kaso niya para mapababa ang kanyang sentensya.

Atty. Neri Colmenares, NUPL chairman

Dagdag pa na mas maiksi na nga ang sentensya ay lalo pang minadali ang kanyang paglaya.

Si Pemberton ay kasalukuyang nakakulong sa Camp Aguinaldo.