DAGUPAN CITY–Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang isang rider ng motorsiklo na siyang dahilan ng kaniyang pagkakasawi matapos sumalpok sa isang poste sa barangay Dupac, sa bayan ng Asingan Pangasinan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, napag-alaman na ang biktimang si Von Macario, 24-anyos, ay tumilapon pa sa drainage canal pagkatapos ng pagkakasalpok sa sementong poste.

Ito ay nahulog doon at nadaganan pa ng nabanggang poste.

--Ads--

Wala ring suot na helmet ang biktima at nang dalhin sa pagamutan ay idineklarang dead on arrival na ito.