DAGUPAN CITY–Ipinatupad ang indefinite lockdown sa barangay Bantayan sa bayan ng Mangaldan matapos mahawaan ang limang kaanak ng pasyente ng covid 19.

Nilagyan ng barrier ang mga entry at exit point ng barangay.

Hindi muna pinahihintulutang lumabas ang mga residente at wala ring pinahihintulutang makapasok sa lugar,

--Ads--

Hakbang ito ng lokal na pamahalaan matapos na magpositibo sa covid 19 ang limang kaanak ng isang pasyente.

Bago pa ang lock down nagdulot na ng pangamba sa ilang residente ang mga naitalang kaso ng covid 19 sa lugar.

Tiniyak naman ng mga barangay official na tutugugunan ang pangangailangan ng mga residente na apektado ng lockdown.

Kasalukuyang naka isolate ang magkakamag anak na parehong mga asymptomatic.