Unti-unti ng bumabangon ang sektor ng turismo sa bayan ng Bolinao mula ng ito’y binuksang muli sa publiko noong July 15 alinsunod sa mga health and safety guidelines sa ilalim ng Modified GCQ.

Ayon kay Mary de Guzman – Tourism Officer ng Bolinao, nasa 69 na accommodation establishments na ang nag-apply ng certificate of authority to operate habang 50% pa lamang sa kabuuan ang nagrerekober mula sa krisis na dulot ng covid19 pandemic.

Aminado ang opisyal na napakalaki ng impact ng pandemiya sa turismo kung saan mahigit 2,000 ang nadisplaced na tourism employees habang 121 ang accommodation establishments na nagsara.

--Ads--

Bagamat mayroon ng ilang mga turista na pumupunta sa mga tourist spots ng naturang bayan, kukunti lamang ito na nasa 20% lamang ang dami ng turista kung ikukumpara noong nakaraang taon kung saan ang peak season ay mula Marso hanggang Mayo.

Samantala, pagtataya ni De Guzman na nasa 90% ang ibinaba ng turismo sa bayan ng Bolinao.