DAGUPAN CITY–Isasailalim sa rapid test ang mga guro sa public schools dito sa lungsod ng Dagupan bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa buwan ng Oktubre.

Modular at online class ang sistema ng edukasyon ang susunod na school year 2020-2021 dahil sa pandemya.

Bagamat modular at online class ang sistema ay kailangan pa rin nilang magpunta sa paaralan para sa distribusyon ng modules.

--Ads--

Pabor naman sa mga guro ang rapid testing dahil masisiguro ang kanilang kaligtasan ng mga magulang at ng kanilang mga estudyante.