DAGUPAN CITY– Natagpuan ang halos naaagnas ng bangkay ng isang dating pulis at kaibigan nito sa gilid ng ilog sa barangay Quillo sa bayan ng Sison.

Ang mga biktima ay may tama ng bala ng baril sa ulo at sugat sa katawan at balot din ng masking tape ang binti ng mga ito.

Ayon sa Sison PNP, pinaniniwalaang itinapon lang sa lugar ang dalawang bangkay.

--Ads--

Lumalabas sa imbestigasyon, na isang dating pulis ang isa sa mga bangkay at kaibigan niya ang isang biktima. Ang dating pulis ay nakadestino noon sa La Union pero natanggal sa serbisyo noong 2019.

Sa rekord ng PDEA La Union, sangkot ang dating pulis sa robbery at shooting incident sa Bacnotan.

Nakaburol ngayon ang namatay na pulis sa barangay Tulong sa lungsod ng Urdaneta.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.