DAGUPAN CITY– Nagmistulang ghost town ngayon ang Beirut Lebanon matapos ang naganap na malakas na pagsabog.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jhonalyn Cibu na tubong Bulacan mas pinipili ng marami na manatili ng loob ng kanilang tahanan o kinaroroonang gusali sa takot na masundan pa ang pagsabog.

--Ads--

Sa katunayan ang iba nilang sponsor ay nagpunta na sa kabundukan dahil naniniwala silang mas ligtas sila doon.

Sa hiwalay ding panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mae Agustin ng Cagayan Valley nagkwento rin ito ng kaniyang karanasan sa pagsabog.

Nagluluto umano ito sa kanilang kusina nang marinig ang pagsabog.

Nang kaniyang tignan ay dito na niya nasaksihan ang ikalawang pagsabog kaya dali-dali itong tumakbo palayo ng bintana ngunit nahagip pa rin ito ng mga bubog sa ibat ibang bahagi ng katawan.