DAGUPAN CITY– Nilinaw ni Provincial Health Officer Dra. Ana Marie de Guzman na walang kahilingan ngayon para ibalik ang lalawigan ng Pangasinan sa ECQ, MECQ o GCQ sa kabila ng pagtaas ng kaso ng covid 19.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 235 ang kabuuang kaso ng naturang sakit.

Ang mga nakarekober ay nasa 157 habang nananatili sa ospital ang 67 at 11 ang nasawi. Sa 67 na active case, dalawa ay mula sa lungsod ng Dagupan at 65 ang mula sa ibat ibang lugar sa lalawigan ng Pangasinan.

--Ads--

Nadagdag sa datos ang isang bagong confirmed case mula sa bayan ng Mangaldan.

Ito ay isang 26 anyos na babae, residente ng barangay Malabago at nagtratrabaho sa isang government hospital sa Metro Manila.

Ang pasyente ay asymptomatic at kasalukuyang naka strict home isolation.