DAGUPAN CITY– Wala pang local transmission ng covid 19 sa lalawigan ng Pangasinan at sa lungsod ng San Carlos.

Ayon kay Provincial Health officer Dra. Ana Marie de Guzman, base sa kanilang tala, karamihan sa mga nagpopositibo ngayon sa Covid19 ay mga Locally stranded Individual o LSI. Ibig sabihin nito ay may exposure umano sila sa Manila.

Sa panayam ng Bombo radyo Dagupan, ipinaliwanag ni de Guzman na kung isa o dalawa ang kaso na naitatala sa isang lugar ay hindi ito maituturing na community transmission.

--Ads--

Ipinaliwanag niya na sa kaso sa lungsod ng San Carlos, apat ang active case doon pero ang huling tala ng nagpositibo doon ay noong July 29 at July 25 kaya hindi maituturing na mayroong local transmission dahil ang ibang kaso doon ay nahawa lamang.

Ayon kay De Guzman, kung nahawa lamang sa naunang nagpositibo ay hindi pa rin maituturing na local transmission.

Pnayuhan naman ni De Guzman ang mga LGU na paigtingin ang ginagawang surveillance at contact tracing upang labanan ang pagkalat ng virus.