DAGUPAN CITY– Umabot na sa mahigit 6,000 repatriated Overseas Filipino Workers (OFW) ang natulungang makabalik ng OWWA Region 1 sa kani-kanilang probinsiya dito sa rehiyon.

Sa KBP special virtual forum, ibinahagi ni OWWA Region1 OIC Regional Director Gerardo Rimorin na mula March 18 ng kasalukuyang taon hanggang sa pinakahuling datos noong July 29, umabot na sa 6,856 ang napauwi dito sa rehiyon 1. Karamihan dito ay taga-Pangasinan na nasa 3, 925, sunod naman ang La Union na mayroong 1, 191 OFWs, Ilocos Sur -980, Ilocos Norte – 716 at iba pang 44 na OFWs.

Sinabi ni Rimorin na karamihan sa mga umuwing OFWs ay galing sa Middle East at pawang mga seaferer.

--Ads--

Ayon pa kay Rimorin na sa lahat ng napauwing mahigit 6,000 OFWs , 15 dito ang nagpositibo sa covid19 virus.

OWWA Region1 OIC Regional Director Gerardo Rimorin

Kasalukuyang nasa mga isolation facility ang mga OFWs na natamaan ng sakit kung saan 8 sa Pangasinan, tig-2 sa Ilocos Sur at Ilocos Norte, at may 3 na hindi kabilang sa OFWs habang 10 naman sa mga nagpositibo ay nakarecover na.

OWWA Region1 OIC Regional Director Gerardo Rimorin

Ipinaliwanag naman ni Rimorin na kapag ang isang returning OFWs ay nagpositibo sa virus ay dapat naconfine sa ospital ng 1 o 2 linggo, dahil ito ang magiging basehan upang mabigyan sila ng financial assistance.